Cauayan City, Isabela- Tinawag na ‘peke’ ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla si Vice Governor Jose ‘Tam-An’ Tomas Sr. dahil sa paggamit nito ng kanyang pangalan na ‘Tam-An’ na hindi naman totoo ayon kay Padilla matapos magsagawa ito ng pagbeberipika.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Gov. Padilla, wala umanong pekeng contractor kundi pekeng impormasyon ang nasagap ng bise-gobernador at walang katotohanan ang akusasyon nito kung pagbabatayan ang mga datos na hawak ng kampo ni Padilla.
Paliwanag ni Padilla, sumasalang sa masusing imbestigasyon ang isang contractor o ‘bidder’ bago ito aprubahan ng Technical Working Group (TWG).
Samantala, naungkat naman ang relasyon sa pagitan ng ehekutibo at legislative subalit ilan naman sa sinasabi ni Padilla na nagpapabagal ng mga proyekto ay dahil sa pekeng bise-gobernador.
Sinabihan rin ng gobernador na hindi marunong at hindi naiintindihan ni Tomas ang parliamentary procedure kapag pinapangunahan nito ang legislative meeting ng Sangguniang Panlalawigan.
Una nang sinabi ni Vice Governor Tomas Sr. na naibigay pa rin Sharysu Builders ang Phase 2 ng paggawa ng bagong Capitol building taliwas sa sinasabi ni Padilla na sa Phase 1 lang naibigay ang bidding sa nasabing kumpanya.
Sa isang pahayag, sinabi naman ng bise-gobernador na hindi sya namumulitika dahil hangad lang nya ang maibulgar ang katotohanan.