Bise-Gobernador, Nagpapauwi Umano ng mga Stranded Individuals na kulang sa Dokumento

Cauayan City, Isabela- Hiniling ni Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya na hindi mauwi sa usaping politikal ang nangyaring pagpapauwi sa mga Locally Stranded Individual (LSIs) ng Bise-Gobernador gamit ang pribadong sasakyan nito dahil sa kawalan ng maayos na koordinasyon at kulang sa dokumento.

Ayon kay Padilla,hindi naman inaalis ang mga karapatan sa mga gustong umuwi sa probinsya subalit kinakailangan lang na masunod ang safety protocol sa pagpapauwi sa mga ito upang matiyak na ligtas ang kanilang mga uuwiang pamilya.

Aniya, hindi man lang umano naipapaliwanag sa mga LSI ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga dokumento gaya ng medical certificate at travel pass na siyang pangunahing kailangan bago makauwi sa probinsya.


Kinakailangan din umano na magkaroon ng koordinasyon sa mga Local Government Unit (LGU) para sa aksyon na kanilang gagawin sakaling umuwi ang mga ito sa kani-kanilang bayan.

Dagdag pa ng gobernador, kapakanan lang ng libu-libong novo vizcayano ang prayoridad ng gobyerno upang makaiwas sa posibleng pagkalat ng nasabing virus.

Binigyang-diin pa ng opisyal na ipinapatupad lang ang batas para masiguro na lahat ay walang malalabag na health protocol ukol dito.

Una nang napag-alaman na kabilang ang pribadong sasakyan ng bise-gobernador na naharang sa checkpoint at walang maipakitang dokumento.

Sa ngayon ay kinukuhanan pa ng reaksyon ang bise-gobernador kaugnay sa komento ni Gov. Padilla.

Facebook Comments