"BISErbisyong Leni" sa RMN-DZXL 588khz – aarangkada na ngayong araw

Manila, Philippines – Aarangkada na ngayong araw ang pinakabagong programa ng RMN-DZXL 558 khz kasama si Vice President Leni Robredo.

Makakasama ng Bise Presidente sa isang oras na programang “Biserbisyong Leni” ang batikang broadcast journalist na si ely Saludar tuwing Linggo, alas 9:00 nang umaga.

Sesentro ang programa sa mga serbisyong publiko habang magbibigay din ng mga payong-legal si Robredo bilang isang abogado.


Mapapakinggan din ang “BISErbisyong Leni” sa mga provincial station ng RMN kabilang ang RMN-Naga, RMN-Cebu, RMN-Cagayan De Oro at RMN-Davao.

Mapanonood din ito nang live gamit ang official facebook page ng RMN ang RMN News Nationwide: The Sound of the Nation.

DZXL558

Facebook Comments