Bishop Bacani: “Pag-endorso ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde sa BBM-Sara tandem, hindi kumakatawan sa buong grupo”

Nilinaw ni Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr., na personal lamang ang ginawang pag-eendorso ni El Shaddai Servant-Leader Bro. Mike Velarde sa tandem nina Bongbong Marcos Jr. at Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Bacani, hindi kinonsulta ni Velarde ang mga miyembro at ang obispo ng Diocese of Parañaque na nakakasakop sa El Shaddai.

Hindi rin aniya ipinaalam sa kaniya ni Velarde ang pag-eendorso bilang spiritual adviser ng Catholic Charismatic Movement.


Kasunod nito, sinabi ng obispo na hindi rin dapat si Marcos ang inendorso ni Velarde dahil wala aniya itong pagsisisi sa mga ginawa ng kanilang pamilya noong panahon ng Martial Law sa kabila ng kaniyang panawagan ngayon sa mga Pilipino na pagkakaisa.

Facebook Comments