Bishop Emeritus Benjamin Almoneda, pumanaw na sa edad na 92

Kinumpirma ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na pumanaw na si Bishop Emeritus Benjamin Almoneda ng Diocese of Daet, Camarines Norte.

Sa edad na siyamnaput dalawang taong gulang, pumanaw si Almoneda kahapon, Enero 6, kasabay ng kanyang ika-33 anibersaryo ng ordinasyon sa pagka-pari.

Nagsilbi si Almoneda bilang spiritual director, rectorat parish priest sa ibat ibang simbahan sa Archdiocese of Caceres.


Naging rector ng Pontificio Collegio Filipino rin ito sa Rome, Italy at naitalaga bilang auxiliary bishop ng Daet noong 1989.

Facebook Comments