Bishop Pablo David, pumalag matapos tawaging “whore” ng Pangulo ang kanyang ina

Bumuwelta si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa pagtawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na whore ang kanyang inang si Bienvenida Siongco David.

Matatandaang sa kaniyang talumpati sa Malabon, binanatan ni Duterte si David sa umano’y paggamit nito sa pulpito para atakihin ang kanyang administrasyon.

Sa isang Facebook post, iginiit ni David na kahit kailan ay hindi niya ginamit ang pulpito para atakihin si Duterte.


Maliban na lang aniya kung sa tingin ng Pangulo na pag-atake ang panawagang ihinto ang karahasan at extra-judicial killings (EJK) sa Diocese of Caloocan.

Kasabay nito, inalala naman ni David ang pagsusumikap ng kanyang ina para maitaguyod silang 13 magkakapatid kahit pa nabyuda ito.

Hindi aniya inaasahan ng kanilang pamilya na kilalanin ng gobyerno ang kontribusyon ng kaniyang ina sa pagtaguyod sa bansa pero hindi rin nila gustong insultuhin ng sinuman ang alaala nito.

Facebook Comments