La Trinindad Benguet, Philippines – Sa pagpapatupad ng Executive Order ni La Trinidad Mayor Romeo Salda sa Car Free Day na naaprobahan ng Municipal CounCil noong April 17. Hinihikayat naman ang mga opisyal, empleyado at mga stakeholders na gumamit ng bisikleta na alternatibong paraan para sa kanilang transportasyon.
Ayon kay council Guiller Galwan ang paggamit ng bisikleta bilang transportasyon ay mabibigay tulong sa paglutas sa environmental at health problems, itinataguyod din nito na maging malinis at magkaroon ng malusog at mabuting paraan ng pamumuhay.
Ipinaalala kamakailan lang ni Salda sa mga mamamayan ng La Trinidad na obserbahan ang mga naitalagang lugar kung saan ipinagbabawal ang mga pribadong sasakyan, sinabi rin nito na sumakay nalang ng mga public transport vehicles at alternative non-motorized transport na ipapatupad sa araw ng huwebes sa unang linggo ng buwan.