Bisikleta na napanalunan ng tagapakinig ng DZXL Radyo Trabaho, naihatid na ngayong umaga; mga nanalo, hindi naitago ang kasiyahan

Maulang umaga pero hindi magpapaawat sa paghahatid ng saya at pag-asa dahil agad natanggap ng ilang nanalo ang bisikletang handog ng DZXL 558 Radyo Trabaho.

Maalala noong ikatlong taong anibersaryo ng DZXL Radyo Trabaho at founding anniversary ng RMN, namigay ng bisikleta ang ating himpilan na maaaring mapanalunan sa pamamagitan ng on air at online.

Hindi naitago nina Sarah Mae Santiago at Cristina Caridad ang kasiyahan matapos matanggap ang bisikleta na inihatid kaninang umaga.


Malaki anila ang maitutulong nito sa kanilang pang araw-araw maging sa kabuhayan, lalo’t nasa gitna tayo ng pandemya.

Tulad na lang ng pagde-deliver ng panindang pagkain ni Sara Mae, habang gagamitin naman papasok sa trabaho ang bisikletang napanalunan ni Caridad.

Bukod dito, mayroon pang mga nanalo na makakatanggap ng bisikleta at ide-deliver pa mismo ito sa kanilang bahay.

Facebook Comments