Manila, Philippines – Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Rodrigo
Duterte sa prinsipe ng Saudi Arabia na si Royal Highness Prince Abdulaziz
Bin Saud Bin Naif.
Ito ay kasabay ng pagbisita ng mataas na opisyal sa bansa mula pa noong
March 17 hanggang ngayong araw (March 19).
Sa impormasyon mula sa Malacañang, makikipagkita ang Arabian prince sa
ilang opisyal ng Pilipinas ngayong araw sa The Fort at sa palasyo mismo.
Kabilang na rin dito ang courtesy call kay Pangulong Duterte.
Magtatapos ang pagbisita ng prinsipe sa mangyayaring lunch sa palasyo na
pangungunahan ng Pangulo.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Facebook Comments