Bisita sa huling SONA ng Pangulo, aabot sa 350

Aabot sa 350 ang inaasahang dadalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, kasama na sa bilang na ito ng mga bisita ang mga senador, kongresista, government official at iba pang VIPs.

Bubuksan ang plenaryo para sa animnapu na mga bisita habang ang iba ay sa first at second gallery pupwesto kung saan ipatutupad naman ang 2-seat apart distancing.


Samantala, sinabi ni Mendoza na sa mga dating pangulo ay nagpaabot na ng kumpirmasyon ng pagdalo sa SONA si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Tulad noong nakaraang taon, kailangang sumailalim at magsumite ng negative RT-PCR test ang lahat ng mga bisita na papasok sa plenary hall dalawang araw bago ang SONA at sasalang din sila sa antigen test sa mismong araw ng SONA.

Tanging PTV 4 at RTVM lamang ang pinahintulutang makapasok sa Batasan Complex para sa SONA coverage at ang ibang mga tv network at radio ay hu-hook up na lamang sa government station.

Facebook Comments