Bisperas ng Bagong Taon at New Years eve 2020, record breaking

Record breaking para sa Philippine National Police (PNP) ang pagdiriwang ng bisperas ng Bagong Taon at New Years eve dahil wala ni isa ang namatay na may kinalaman sa selebrasyon.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, mula alas 6 ng umaga kahapon December 31, 2019 at hanggang kaninang alas 6 ng umaga kanina January 1, 2020 ay wala silang naitalang nasawi.

Tanging isang sibilyan sa Region 3 lamang ang naaresto nila dahil sa iligal itong nagpaputok ng kanyng baril pero walang tinamaan sa putok ng kanyang baril.


Maliban dito wala na silang naitalang anumang insidente.

Kaya para kay Banac ang pagpasok ng taong 2020 ang pinakaligtas at payapang pagsalubong ng taon sa history ng Pilipinas simula nang mauso ang mga paputok at paggamit ng baril tuwing sasalubong ng  Bagong Taon.

Facebook Comments