Quezon City – Nabisto ng mga guwardya na may dala baril ang 19-anyos na lalaki ng magtaka itong sumakay sa MRT North EDSA kagabi.
Kinilala ang suspek na si Stanlee Mantias, isang estudyante.
Ayon kay PO1 Christopher Obispo, kasama ng suspek ang 16-anyos na pinsan na sasakay sana sa MRT.
Kaya lang pag dating sa x-ray machine natuklasan na may dala silang baril.
Depensya ng 19-anyos na suspek wala siyang alam na may caliber 45 sa kanyang bag.
Hinala niya may kung sino na basta nalang naglagay nito sa kanyang gamit.
Kakasuhan ang suspek ng pag labag sa Illegal Possession of Fire Arms and Ammunition.
Facebook Comments