Manila, Philippines – Kinumpirma ni Supreme Court (SC) Associate Justice Francis Jardeleza na minanipula ni SC CJ Maria Lourdes Sereno ang Judicial and Bar Council (JBC) shortlist para sa mga bakanteng posisyon sa Korte Suprema.
Sa nagpapatuloy na impeachment hearing, bago pa siya ma-interview ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa kanyang aplikasyon, may nagbigay ng impormasyon sa kanya na kinukwestyon ni Sereno ang kanyang integridad.
Ito aniya ay may kaugnayan sa paghawak niya ng kaso sa isyu ng West Philippine Sea.
Ini-invoke dito ni Sereno ang rule 10, section 2 ng JBC rules kung saan isinasantabi ang aplikasyon ng isang aplikante na kinukwestyon ang integrity.
Ito aniya ang dahilan kaya nalaglag si Jardeleza sa shortlist ng JBC kaya napilitan itong umakyat sa Korte Suprema para ma-overcome ang pagharang sa aplikasyon ng isang aplikante.
Sinuportahan naman ni dating Associate Justice Arturo Brion ang salaysay ni Jardeleza na talagang minanipula ni Sereno ag JBC shortlist.
Naglabas si Brion ng matapang na opinyon kaugnay dito kung saan sinasabi niyang nakapasa si Jardeleza with flying colors sa kanyang aplikasyon sa JBC shortlist kaya pasok na ito sa posisyon.