BISTADO! | Ilang gasolinahan nabistong walang certificate of compliance ng DOE

Manila, Philippines – Sa isinagawang compliance monitoring inspection ng Department of Energy (DOE) sa ilang gasolinahan sa Negros Oriental at Siquijor nitong August 13-17.

Lumalabas na ilan sa mga ito ang walang certificate of compliance.

Ayon sa Energy Industry Management Division ng DOE-Visayas Field Office sa kabuuang 162 liquid fuel retail outlets at 115 Liquefied Petroleum Gas (LPG) establishments sa Negros Oriental at Siquijor 84 percent ng liquid fuel outlets ang walang certificate of compliance habang 98 percent ng mga LPG distributors ang wala ding compliance certificate.


Paliwanag ng DOE ito ay maliwanag na paglabag sa amended retail and LPG industry rules.

Kasunod nito inihahanda na ng DOE ang mga reklamong isasampa laban sa mga may ari ng gasolinahan na nago-operate kahit na walang permit mula sa ahensya.

Ang nasabing inspeksyon ng DOE ay layong maprotektahan ang mga consumers at ito ay isinasagawa sa buong bansa.

Facebook Comments