BISTADO | Pagsusuplay ng NoKor sa Syria ng mga kagamitan sa paggawa ng chemical weapon, nabuking ng UN

Natuklasan umano ng United Nations na nagsusuplay ang North Korea sa Syria ng mga kagamitan sa paggawa ng chemical weapons.

Sa ulat ng the New York Times, kabilang sa mga ipinadadala ng North Korea ay mga acid-resistant tiles, valves at tubo.

Ginagamit ito para sa konstruksyon ng mga pasilidad kung saan gagawin ang mga chemical weapon.


Lumutang ang alegasyon matapos ang mga ulat na gumamit umano ang Syrian Forces ng Chlorine Gas laban sa mga sibilyan na itinanggi naman ng gobyerno ng Syria.

Facebook Comments