BISTADO | Surprise rank inspection, isinagawa sa hanay ng QCPD matapos mabisto ang ilang pulis na hindi nagdu-duty pero sumisweldo

Manila, Philippines – Nagsagawa ng surprise rank inspection ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kanilang mga tauhan sa Quezon City Police District sa Camp Karingal Quezon City.

Ito ay matapos na mabisto ng NCRPO na 101 na tauhan ng Manila Police District ay napagalamang hindi nare-report sa duty ngunit nakakapagsweldo.

Paliwanag ni Dela Rosa, unaccounted lang ang mga ito pero wala sa abroad katulad nang unang mga balita.


Aniya ang 101 na mga pulis Maynila na ito ay, 20 absent, 43, Absence without official leave (AWOL) 3 nasawi na, 7 on leave, 8 suspended, 11 ay schooling at 9 ay Non Uniformed Personnel na on leave.

Sa ngayon sumasailalim sa inventory ang mga tauhan ng QCPD matapos na isagawa ng surprise rank inspection kanina.

Ito ay upang matukoy kung may unaccounted sa mga ito habang isasailalim rin aniya sa drug test ang mga pulis QCPD.

Facebook Comments