Manila, Philippines – Binalaan ng Mababang Kapulungan ang publiko tungkol sa nauusong investment ngayon na “bitcoins” o “cryptic currencies”.
Ayon kay Banks and Financial Intermediaries Chairman Ben Evardone, hindi sakop ng regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Securities and Exchange Commission (SEC) ang pag-i-invest o pamumuhunan sa bansa.
Nauna dito ay nagbabala ang BSP at SEC sa peligro ng pamumuhunan sa mga investment scheme na nagsulputan ngayon gamit ang “bitcoins”.
Marami na aniyang na-e-engganyong mga Pilipino lalo na ang mga OFWs na bumili ng bitcoins lalo pa at umabot sa $10,000 ang ‘virtual currency rate’ nito kamakailan lamang.
Ang mga nag-iinvest sa bitcoin ay naniniwalang ang halaga ng ipinuhunan at dodoble ang balik sa loob lamang ng ilang buwan na pamumuhunan dito.
Base na rin sa paglilinaw ng BSP at SEC, walang kaukulang bank regulations, wala ring tinataglay na currency unit in circulation at wala ding kaukulang tangible assets na makapagbibigay ng seguridad o proteksyon sa mga bibili ng bitcoins.