BITCOINS | Mga mag-iinvest, pinayuhan ng BSP

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay sa mga nagpaplanong bumili at mag-invest sa virtual currency na bitcoin.

Ayon sa BSP, bagamat totoo na may kumikita sa bitcoin mabilis naman na magpalit o magbago ang halaga nito na posible ring ikalugi ng mamumuhunan dito.

Sa paliwanag ni BSP – head of core – IT specialist Melchor Plabasan, bagaman nire-regulate nila ang virtual currency, hindi nila intensiyong iendorso ito dahil hindi ito inisyu ng isang Central Bank.


Sa ngayon ay nakatutok ang BSP sa palitan ng bitcoin sa pamamagitan ng mga rehistradong remittance at transfer companies, dahil may mga Overseas Filipino Workers na rin ang gumagamit nito para magpadala sa Pilipinas.

Kasabay nito, nagbabala rin ang BSP sa publiko na tiyakin ang seguridad sa internet at mag-ingat laban sa mga online bitcoin pyramiding scam.

Facebook Comments