BITIN? | Isang lalaking nabitin sa pulutan, nagnakaw ng de-lata sa isang convenience store

Tondo – Hindi na nakabalik sa birthday party ang isang lalaki ito ay matapos arestuhin ng mga pulis sa Tondo Maynila.

Nabuking kasi ang ginawa niyang pagnanakaw sa isang convenient store sa barangay 61 zone 5 .

Ayon sa suspek na si Herminio Deverson, 48 na taong gulang nabitin sila sa pulutan habang nakikipag-inuman sa birthday ng kaibigan kaya napilitan siyang magnakaw ng de-lata.


Agad nakaresponde sa tawag ang mga pulis matapos makita sa CCTV ang diskarte ng suspek.

354 pesos ang kabuoang halaga ng mga de-latang ninakaw.

Nakakulong na si Deverson at nahaharap sa kasong paglabag sa article 308 ng revised penal code o theft.

Facebook Comments