Lahat nagsisismula sa simpleng “Hello.” Tapos magiging friends, tapos magiging MU, tapos magiging kayo, tapos magkakaproblema, kaya maiisip mo na lang na hindi pala talaga siya ang para sayo. Likas na mapaglaro ang pana ni Kupido. Papanain ka. Magiging masaya. Magmamahalan kayo. Tapos biglang hindi pa pala siya ang ‘The One’ para sayo. Kaya minsan, umiiyak tayo dahil sa pag-ibig. Hindi madaling makalimutan ang taong minsang nagbigay inspirasyon sayo, lalo na kung sobrang minahal mo. Sabi nga ng iba, “Hindi madaling mag move on!”. Pero naitanong mo na ba ang sarili mo kung bakit hindi ka makamove on? Bakit hindi mo magawang kalimutan siya? Bakit ang hirap hirap magmove on?
REASON NUMBER 1: Nakafocus ka sa sakit. That’s it.
Kung ikaw ang taong walang ibang ginawa kundi isipin ng isipin ang taong nakasakit sayo at pati lahat ng ginawa niya sayo, walang mangyayari. ‘Wag kang magfocus sa nangyaring hindi maganda. Cure yourself. Tulungan mo ang sarili mo na gumaling from those heartaches. Don’t keep on blaming others for the hurt but start healing yourself from that hurt. Kung araw araw mong isipin, masasaktan ka lang lalo. Magiging miserable ang buhay mo kakaisip mo sa mga ginawa niya sayo. Imbes na nagmo-move on ka, iniisip mo pa rin siya. Dapat planuhin mo kung paano ka makakabawi sa kanya!
REASON NUMBER 2: Marupok ka.
Kapag sinabi mo, gawin mo. Hindi ka makakamove o, kung hindi ka seryoso sa desisyon mo. Hindi mo naman kailangan na burahin lahat ng pictures niya sa gallery mo at i-unfriend or worst i-unblock mo pa siya. Pero if that will help you, why not? Gawin mo. Ilayo mo ang sarili mo kakaisip ng mga bagay na pwedeng magbigay lang sayo ng sakit. Sabi nga nila, “Hurt people hurts people.” ‘Wag naman sana umabot sa puntong makasakit ka na dahil nasaktan ka. Kaya kapag sinabi mong magmo-move on ka na, ‘wag kang marupok! Gawin mo.
REASON NUMBER 3: Sinasarili mo yung sakit!
Ilabas mo yung sakit! Sumigaw ka. Umiyak ka. Lahat tayo nasasaktan. Matakot ka kung hindi ka nakakaramdam pa ng sakit. ‘Wag kang mahihiyang i-express yung pain na nararamdaman mo. Let other people help you. Tutulungan at papakinggan ka ng pamilya at mga kaibigan mo. Hindi ka mag-isa sa problema mo. Kung hindi ka komportable sa kanila, isulat mo. ‘Wag mong itanim ang sama ng loob sa dibdib mo. ‘Wag mong palakihin ang sakit sa puso mo.
REASON NUMBER 4: Binabalikan mo pa rin ang PAST.
Hindi ka makakaalis sa nakaraan, kung hindi ka aalis. Start renewing your mind. Ibigay mo ang oras mo sa mga bagong nakapaligid sayo. Sa mga bagay na kasalukuyang nagbibigay saya sayo. Sabi nga, mali na isipin mong talo ka. Instead, learn from it. ‘Wag mong paikutin ang mundo mo sa isang tao. Gumising ka para makita mo na mas malaki pa yung mundong nag aantay sa ngiti mo. Lear to appreciate what you have now.
REASON NUMBER 5: Hirap kang magpatawad
Para mabunutan ka ng tinik sa dibdib, learn how to forgive people who hurt you. Mahirap magsimula kung mayroon pang sakit na natitira. Forgive them. Patawarin mo rin ang sarili mo. Hindi porke’t ikaw ang unang nagpatawad, ikaw na ang mali. But it’s about being mature towards life. Forgiving dapat!
Article written by Leogene Bomitivo