Bituin Escalante kung sasali sa ‘Idol PH’: Kay Regine Velasquez lang ako papasa

Image via Facebook/Bituin Escalante

Kung sasali aniya ang singer at theater actress na si Bituin Escalante sa singing competition na Idol Philippines, tanging kay Asia’s Songbird Regine Velasquez lang siya papasa.

“If I joined Philippine Idol, Hindi ako papasa sa judges… kay Reg lang. At ok ako don,” ani Escalante sa Twitter.


Hati naman ang reaksyon ng mga netizen sa pahayag na ito.

Mayroong netizen na sumang-ayon at nagsabing “masyadong mataas” at “pang world class” ang standards ng tatlo pang hurado–Moira Dela Torre, Vice Ganda, at James Reid.

Sinagot naman ito ni Escalante ng, “I can hear it nga e. ‘Nandon naman po yung voice but I need to see star quality.'”

May ilan ding nagpahayag ng paghanga sa talento ni Escalante at sinabi pang pupuwede itong maging hurado rin sa kompetisyon.

Sumagot din ang ilan na may ibang opinyon gaya ng isang netizen na nangatwiran na mahalaga ang “star quality.”

Nilinaw naman ni Escalante na ang tweet niyang ito ay hindi pang-iinsulto kundi pagiging “self-aware” lamang.

Matatandaang umani ng batikos ang iba pang hurado ng Idol PH matapos hindi makapasa ang isang reggae singer.

Facebook Comments