Tinangkilik ng mga residente sa bayan ng San Nicolas ang Bivalent COVID-19 Vaccine maging ang Pneumococcal Vaccine sa pangunguna ng Municipal Health Office ng lokal na pamahalaan ng bayan sa naganap na malawakang pagbabakunang inilunsad ng Kagawaran ng Kalusugan.
Pangkalahatang naging matagumpay umano ang vaccination rollout na may layong makadagdag proteksyon upang malabanan ang COVID-19 at pneumococcal infections.
Prayoridad alinsunod dito ang mga Senior Citizens ng bayan upang maging ligtas ang mga ito sa maaaring mga sakit dulot ng pneumococcal infections at ang Bivalent Vaccine na parehong laan para sa mga Seniors at Health Frontliners.
Samantala, inaasahan pa ang susunod na vaccination activity ng mga nauna nang naipamahaging vaccine sa iba pang residente ng bayan. |ifmnews
Facebook Comments