Bivalent vaccines laban sa mga bagong variant ng COVID-19, wala pang EUA sa FDA ayon sa isang eksperto

Maaring matagalan pa bago makakuha ng bivalent vaccines ang Pilipinas laban sa mga bagong variant ng COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Nina Gloriani, pinuno ng Vaccine Expert Panel (VEP) na sa kasalukuyan ay wala pang manufacturer na nag-apply para sa Emergency Use Authorization (EUA) sa Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Gloriani, tatagal pa ng buwan o higit pa para ma-evaluate ang mga data kaya baka matagalan pa bago ganap na makabili ng bivalent vaccine ang bansa.


Ang alam aniya ni Gloriani, ang pribadong sektor sa pangunguna ni Jose Concepcion ay planong bumili ng sampung milyong doses ng bivalent vaccines.

Pangunahin aniya sa dapat na mabigyan ng bivalent vaccines ay ang vulnerable group tulad ng health workers, senior citizens, at may comorbidities.

Pero, binigyang diin ni Gloriani na ayaw nilang maulit na maabutan na naman ng pagkapaso ang mga bakuna kaya kailangan aniyang targeted ang pagbili nito.

Ibig sabihin nito, dapat alam kung ilan talaga sa mga vulnerable group na ito ang may interes o gustong magpabakuna para hindi sobra ang mabibili.

Facebook Comments