“Bivalent” vaccines vs. Omicron, aaprubahan ng US FDA ngayong linggo

Inaasahang aaprubahan ng United States Food and Drug Administration (US-FDA) ngayong linggo ang kauna-unahang updated version ng COVID-19 booster shot.

Ito ay reformulated version ng Moderna at Pfizer na kilala sa tawag na “bivalent” vaccines na layong magbigay proteksyon laban sa original strain at high contagious omicron variant.

Target din nitong labanan ang BA.4 at BA.5 omicron subvariants na siyang dominant strains ngayon sa maraming bansa sa mundo gaya ng Pilipinas.


Bumili na ng mahigit 170 million doses ng bagong COVID-19 booster shots ang Biden administration na target mailabas pagkatapos ng Labor Day sa Amerika sa September 5.

Facebook Comments