Biyahe mula Cubao hanggang Makati, magiging mabilis na kapag natapos ang infrastructure projects

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mabilis ang biyahe mula Cubao hanggang Makati.

Ito ay sa gitna ng patuloy ng mga itinatayong transport infrastructure project sa Metro Manila.

Ayon sa Pangulo – magiging tambakan na lamang ng basura ang EDSA kapag nagsimula na ang konstruksyon ng elevated expressway na layong mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila.


Aniya, bigyan siya hanggang Setyembre para lutasin ang problema ng EDSA.

Pero aminado ang Pangulo na ang traffic situation sa EDSA ay nananatiling “halimaw”.

Muling humihiling ang Pangulo sa Kongreso na bigyan siya ng emergency powers upang mapadali ang pagresobla sa traffic congestion sa EDSA.

Kabilang sa mga proyektong tinutukoy ng Pangulo para masolusyonan ang trapiko sa Kamaynilaan ay ang NLEX-SLEX Connector Road Project at ang kauna-unahang Metro Manila Subway.

Facebook Comments