Inaasahang mapapabilis na ang biyahe mula Maynila hanggang Cavite.
Ito’y dahil sinisimulan na ang konstruksyon ng LRT Line 1 Cavite Extension Project.
Mula sa kasalukuyang 20 istasyon mula Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa Pasay ay dadagdagan ito ng walong istasyon na aabot hanggang sa Barangay Niog sa Bacoor, Cavite.
Ayon kay Light Rail Manila Corporation President and CEO Juan Alfonso, tinatayang nasa 1,000 pasahero sa kada 2.5 minutes ang inaasahang maseserbisyuhan ng proyekto.
Habang ang dalawang oras na biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor ay magiging 30 minuto na lamang.
Ang isang istasyon ng Cavite Extension ay ikokonekta sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at plano ring i-konekta sa gagawing Metro Manila Subway.
Sa ngayon, patuloy ang paghuhukay ng pundasyon para sa higit 200 columns ng linya.
Positibo ang LRMC na maaabot completion ng Phase 1 sa huling kwarter ng 2021.