Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng BGC-Ortigas Center Link Road Project na kokonekta sa dalawang business centers ng Metro Manila.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan sa kanilang pakikiisa para matapos ang proyektong ito at maipagpatuloy ang Build, Build, Build Program ng administrasyon.
Ang BGC-Ortigas Center Link Road Project ay makakatulong sa pagpapabilis ng daloy ng sasakyan at pag-decongest ng trapiko sa Metro Manila.
Mapapaikli rin nito ang biyahe mula 1 oras noon sa 12 minuto na lamang ngayon mula BGC hanggang Ortigas & vice versa.
Facebook Comments