Biyahe ng bus sa PITX, balik-normal na matapos makansela dahil sa Bagyong Ramil

Balik-normal na ang operasyon ng bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ito’y matapos na makapagtala ng kanselasyon kahapon sa ilang mga probinsya tulad ng Mindoro at Batangas dahil sa epekto ni Bagyong Ramil.

Ayon sa pamunuan ng PITX, nag-resume na ang biyahe at balik na lahat ng operasyon ng mga bus company na biyaheng Southern Luzon.

Una nang inabisuhan ang mga pasahero na manatiling nakaantabay sa anunsyo ng biyahe lalo pa’t masama ang lagay ng panahon.

Pinayuhan naman ang mga mananakay na may mga scheduled trips na agad makipag-ugnayan sa kanilang mga bus company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Facebook Comments