Biyahe ng cargo trains, muling bubuhayin ng PNR

Manila, Philippines – Muling bubuhayin ng Philippine National Railways (PNR) ang pagsasakay sa mga train ng mga cargo o container van na karaniwang isinasakay sa mga malalaking trak.

Ayon kay PNR General Manager Jun Magno, aprubado na ng PNR board ang proposal hinggil rito.

Aniyang may ganitong uri ng pagbibiyahe ng mga cargo mula 1998 hanggang 2004 pero mula Manila International Container Terminal lamang o MICT sa port area sa Maynila hanggang Laguna.


Sabi ni Magno, sa sandaling maaprubahan ang panukala, tiyak na magkakaroon ng malaking kaluwagan sa trapiko dahil mababawas sa mga daan ang mga bumibiyaheng trak na may bitbit na container van.

Facebook Comments