Biyahe ng Cebu Pacific, na-divert dahil sa technical problem

Na-divert sa Brunei ang isang eroplano ng Cebu Pacific Air na galing Manila patungo sanang Singapore.

 

Batay sa advisory ng Cebu Pacific Air, ala-1:45 ng madaling araw nang madivert sa Brunei International Airport sa Bandar Seri Begaman ang Cebu pacific flight 5J 803 matapos itong magkaroon ng technical problem.

 

Agad namang nagpadala ng aircraft ang Cebu Pac patungong Brunei para ihatid ang mga pasahero patungong Singapore.


 

Dahil ditto, posibleng maantala ang return flight na 5J 804 na Singapore to Manila.

 

Humihingi naman ng paumanhin ang Airline Company sa mga pasaherong naantala ang biyahe.

Facebook Comments