Biyahe ng Ferry mula Cavite, pasisimulan na bukas – DOTr

98

Inilunsad na ng Department of Transportation at Marina


ang isa na namang alternatibong transportasyon mula Cavite papuntang Maynila at pabalik sa pamamagitan ng ferry boat.

Simula bukas, magiging operational na ang biyahe ng ferry mula sa Cavite City Port Terminal – Cavite City Hall, papuntang CCP Port at Liwasang Bonifacio, at pabalik.

Ayon sa DOTr, aabutin na lang ng isang oras ang dating mahigit dalawang oras na biyahe kapag sumakay ng ferry.

Depende sa rutang sasakyan, nasa ₱160 at ₱200 pesos ang regular na pamasahe.

₱128 at ₱160 pesos para sa estudyante, ₱114 at ₱143 pesos para sa senior citizen o PWD at ₱80 at ₱125 pesos naman para sa mga batang edad 4 hanggang 11 taong gulang.

Alas-6:00 ng umaga ang unang biyahe mula CCP papuntang Cavite City, habang alas-6 :50 naman ng gabi ang huling biyahe.




Mula Cavite City hanggang Lawton, alas-5:15 ng umaga ang unang biyahe, at alas 7:45 ng gabi ang huling byahe.

Facebook Comments