
Pinagbawalan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbiyahe ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat na sakop ng Coast Guard Station Masbate at Sorsogon na patungong Surigao Del Norte.
Ito’y dahil sa epekto ng Bagyong Verbena kung saan nakataas ang storm signal number 1.
Bukod dito, kasama rin sa suspendido ang biyahe ng mga sasakyan pandagat sa buong lalawigan ng Iloilo.
Pansamantalang ipinatigil ang biyahe sa iba’t ibang pantalan sa Antique kung saan kabilang din dito ang biyahe mula Caluya, patungong Buruanga, Aklan at pabalik
Kasama sa suspendido ang biyahe sa Semirara, Antique patungong San Jose, Occidental Mindoro at pabalik
Wala na ring pinapayagang biyahe sa Sebaste Port, Sibunag, Guimaras patungong Pulupandan Port sa Negros Occidental at pabalik.









