Biyahe ng ilang bus patungong Northern Luzon, hanggang alas onse na lamang mamayang gabi

Chance passenger na lamang ang mai-aaccommodate sa mga bus ng victory liner sa Sampaloc, Maynila na may byahe papuntang Isabela para sa araw na ito.

 

Ayon kay Kristy Magno, terminal clerk ng Victory Liner, hanggang 10:30 pm fully booked na biyaheng Isabela.

 

Simula naman Dec. 26 hanggang 30 ay fully booked ulit ang papuntang Isabela.


 

Samantala, ang biyaheng Baguio at Zambales ay may bakanate pang 11 trips para sa araw na ito.

 

Ang biyahe naman patungo ng Santa Cruz, Cagayan ay hanggang alas onse na lamang ngayong gabi.

 

Pinaalalahanan naman ang mga byahero na bawal na ang magsakay ng anumang karneng baboy.

 

Bawal din ang pagsakay ng anumang hayop gayundin ang ano mang uri ng  armas, baril, patalim, at alak.

Facebook Comments