Biyahe ng LRT-2 suspendido dahil sa power failure

37

Abiso sa mga commuters ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) na may biyaheng Antipolo-Recto vice versa na pansamantalang itinigil ang biyahe rito ngayong umaga dahil sa power failure.

Batay sa abiso ng LRT-2, kasalukuyan nang kinukumpuni ang apektadong rectifier substation ng engineering at maintenance personnel.

Ayon sa pamunuan ng LRT-2, maglalabas agad sila ng karagdagang abiso sa oras matapos na ang pagsasaayos ng apektadong rectifier.


Nabatid, ngayong araw pinaigsi ang biyahe ng LRT-2, kung saan hanggang 7:30 ng gabi ang huling biyahe ng train nito ngayong araw.

Facebook Comments