Biyahe ng LRT, MRT at PNR, magiging limitado sa pagbabalik operasyon matapos ang ECQ

Maari nang magbalik ang operasyon ang ilang transportasyon sa May 16 matapos maalis ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila.

Kabilang rito ang biyahe ng Light Rail Transit o LRT 1 at 2, MRT 3 at Philippine National Railways o PNR pero limitado lamang ang kailangang maisasakay sa kanilang pagbabalik operasyon.

Lahat ng rail lines ay kailangang sundin ang March 14, 2020 DOTr Guidelines sa Community Quarantine, gayundin ang karagdagang health and safety measures alinsunod sa Inter-Agency Task Force o IATF at Department of Health o DOH.


Kailangan may isang metrong layo para sa social distancing ang mga pasahero kung saan mayroon ding ilalagay na markings, signages, tarpaulins at iba pang logistics upang matiyak na istriktong maipapatupad ang kautusan.

Magsasagawa rin ng regular na disinfection and sanitation sa mga train interior, station premises at pasilidad.

Dapat ding may handwashing o disinfectant stations na nakalagay sa mga istasyon para sa sanitary measures ng DOH.

Hindi naman papayagang makapasok sa station ang mga pasahero na walang tamang face mask, alinsunod sa panuntunan ng DOH.

Gayundin ang mga pasaherong magpapakita ng sintomas ng COVID-19 o may temperatura na 37.8°C o mas mataas kasama ang mga senior citizen, edad 0-20, at mga buntis dahil kabilang sila sa mga vulnerable population o madaling mahawa sa sakit.

Facebook Comments