Biyahe ng mga barko at iba pang sasakyang pandagat, hindi apektado ng masamang panahon – PCG

Hindi apektado ang biyahe ng mga barko at iba pang sasakyang pandagat ngayong araw.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Command Center, ligtas ang paglalayag ng mga barko sa gitna ng epekto ng Low Pressure Area (LPA) at Shearline sa ilang mga lugar sa bansa.

Ito ay kasunod na rin ng pagbabalik ng biyahe ng mga ruta ng Zamboanga, Sulu, at Tawi-tawi kaninang umaga.


Patuloy naman ang koordinasyon ng PCG sa mga pantalan upang matiyak ang ligtas na biyahe sa gitna ng mga inilalabas na gale warning o babala sa mga malalaking alon ng PAGASA.

Facebook Comments