Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Ports Authority (PPA) sa Department of Transportation (DOTr) at Maritime Industry Authority upang tugunan ang kakulangan sa mga barko na nagdadala ng relief goods sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PPA General Manager Daniel Santiago na naging positibo ang pagtugon ng mga nabanggit na ahensya.
Ani Santiago, nagbigay na ang Marina ng special permits sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat at patuloy nilang ini-engganyo ang mga shipping operators na mag-deploy pa ng mga karagdagang barko.
Ayon sa opisyal, bagama’t nananatili ang mga hamon sa mobility ng mga kargo at barko patungo sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Odette, sinisiguro naman ng pamahalaan na operational pa rin ang mga pantalan.