Biyahe ng mga barko, nananatiling normal ngayong araw

Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang kanseladong biyahe ang mga barko ngayong araw ng Pasko.

Ayon sa PCG Command Center, nananatiling normal ang lahat ng ferry services sa mga pantalan kung kaya’t maaari pa ring makabiyahe ang lahat kahit pa ngayong araw.

Wala ring naitalang stranded na pasahero, partikular sa Manila North Port, at sa katunayan ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga biyahero.


Batay sa pinakahuling datos ng PCG hanggang kaninang umaga, umabot na sa 37,313 ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa ngayong araw.

Sa naturang bilang, 18,932 ang outbound passengers at nasa 18,381 naman ang inbound passengers.

Kaugnay nito, nakaantabay na ang mga tropa ng Coast guard para asistehan ang mga darating na pasahero ngayong tanghali.

Facebook Comments