Wala pa ring gaanong mga pasahero na pabiyaheng Bicol region ang mga terminal ng bus sa EDSA Cubao.
Sa terminal ng Superlines, ang available lamang na biyahe ay patungo ng Legaspi, Naga, at Daet.
Ayon sa dispatcher at maging sa mga security guard, kakaunti ang mga pasahero kung ikukumpara noong nagdaang taon na marami nang nag uuwian pa-Bicol isang linggo bago mag-Undas.
Malaki umano ang naging epekto ng Bagyong Kristine kung saan may mga baha pa rin sa ilang lugar sa Bicol.
May mga pasahero na rin ang nagpa-rebook ng kanilang byahe matapos na rin ang panawagan ng gobyerno na iwasan muna ang pagbyahe pa Region 5 dahil sa pinsalang iniwan ng bagyo kung saan marami ang na-stranded na mga motorista.
Facebook Comments