Balik normal na ang biyahe ng ilang provincial routes sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
Ito ay matapos kanselahin ang operasyon ng ilang mga bus dahil sa masamang panahon na dala ng Bagyong Pepito.
Ayon kay PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, ngayong Lunes ay balik na sa normal ang lahat ng biyahe.
Kasama na rito ang biyahe patungo sa Norte, Calabarzon, Mindoro, Bicol Region, at maging sa Visayas at Mindanao.
Wala namang napaulat na stranded sa biyahe dahil agad silang naabisuhan na kanselado ang mga biyahe bago pa manalasa ang bagyo.
Facebook Comments