Biyahe ng mga bus sa PITX papuntang Bicol, Visayas at Mindanao, fully-booked na hanggang Dec. 31

Fully-booked na ang biyahe ng mga air-conditioned bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange hanggang December 31.

Partikular dito ang bus trips papuntang Bicol, Visayas at Mindanao.

Dumami rin ang mga pasahero sa PITX na biyaheng CALABARZON.


Pero kahit punuan na, pwede pa rin ang walk-in passengers sa terminal.

Maaari nilang masakyan ang mga karagdagang unit na ni-request ng PITX sa mga bus company pero “first come first serve” ang magiging sistema.

Ngayong Biyernes, inaasahan ng PITX ang dagsa ng mas maraming pasahero na uuwi sa mga probinsya para sa Bagong Taon.

Muli namang pinaalalahanan ng PITX ang mga pasahero na iwasang magdala ng ipinagbabawal na gamit para iwas abala.

Kahapon, nakakumpiska sa mga pasahero ng itak, kutsilyo, gunting, gasul, butane at mga paputok.

Facebook Comments