Biyahe ng mga bus sa PITX patungong Bicol, kanselado pa rin

Kanselado pa rin ang biyahe ng mga bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) patungong Bicol region.

Ito ay dahil mataas pa rin ang tubig sa ilang kalsada sa Bicol region at sa Quezon Province.

Sa ngayon, 58 na biyahe na ang kanselado patungo ng Tabaco, Legazpi, Catanduanes, Naga, at Sorsogon.


Kanselado rin ang biyahe ng ilang bus patungo ng Mindoro.

38 namang mga pasahero ang stranded ngayon sa PITX.

Ayon sa PITX, karamihan sa mga ito ay walk-in passenger patungo ng Bicol region at Mindoro.

Binigyan naman sila ng PITX ng pagkain at ng lugar para makapagpahinga at makaligo.

Facebook Comments