Biyahe ng mga bus sa PITX patungong Southern Luzon, balik na sa normal

Kinumpirma ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na balik na sa normal ang biyahe ng mga bus sa Cavite, Laguna, at Batangas.

Sa Quezon province naman, ang bumibiyahe pa lamang ay patungo ng Lucena at San Andres dahil may ilan pang lugar sa lalawigan ang may baha pa rin.

Sa Bicol Region naman, ang operational pa lamang ay ang ruta patungong Daet, Camarines Norte at ang available trips ay sa Superlines ng 6:45pm at 9pm; at DLTB ng 6:15pm at 8:15pm


Sa Mindoro naman, wala pang bumibiyahe na mga bus dahil suspendido pa ang paglalayag ng mga RORO sa Batangas Port.

Habang sa Visayas, ang available trip pa lamang ay ang sa Eastern Goldtrans Tours patungo ng Oras, Eastern Samar, at sa Mindanao ay suspendido pa ang biyahe ng mga bus sa PITX.

Facebook Comments