Biyahe ng mga bus sa Sampaloc, Maynila patungong North Luzon, fully booked na

Nagdagdag ng mga unit ng bus ang pamunuan ng mga bus terminal sa Sampaloc, Maynila dahil sa dami ng mga pasahero.

Fully booked na ang ilang mga biyahe ng bus patungo sa ilang lalawigan sa North Luzon kung saan karamihan sa mga pasahero ay hindi nagkapag-advance booking.

Kaya’t ang iba sa kanila ay nag-aabang na lamang ng mga bus na babiyahe habang ang ilan ay ngayon lamang nagpa-book o nagpa-schedule ng biyahe.


Mula pa kahapon ay sunod-sunod ang biyahe ng bus at kada oras ang alis nito sa terminal.

Ilan sa mga biyahe dito ay patungo ng Laoag, Cagayan Province, Baguio, Tarlac, Pampanga at Isabela.

Mahigpit na seguridad naman ang ipinatutupad sa loob at labas ng terminal sa pangunguna ng Manila Police District (MPD) Station-4 habang ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang umaalalay sa trapiko.

Facebook Comments