Biyahe ng mga eroplano sa Bicol Region, tuloy sa kabila ng pagtaas sa Alert Level 3 sa Bulkang Mayon

Nananatiling normal ang biyahe ng mga eroplano sa Bicol Region sa harap ng lalo pang pagbuga ng abo ng Bulkang Mayon sa Albay.

Bagama’t itinaas na sa Alert Level 3 ang Mt. Mayon, wala namang kanseladong flights sa Bicol Region.

Sa kabila nito, nanindigan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa paalala nito sa mga piloto na iwasang dumikit malapit sa bulkan.


Ang CAAP ay may 7 airports na pinangangasiwaan sa Bicol Region kabilang na ang Bulan Airport, Sorsogon Airport, Daet Airport, Masbate Airport, Naga Airport, Virac Airport at Bicol International Airport.

Facebook Comments