Biyahe ng mga eroplano sa Northern Luzon, balik na sa normal

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na balik na sa normal ang biyahe ng mga eroplano sa Northern Luzon.

Ayon sa CAAP, sa ngayon ay tuloy-tuloy na ang recovery flights sa daan-daang mga pasahero na naapektuhan ng ilang araw na flight cancellations matapos ang pananalasa ng Bagyong Marce.

Patuloy rin ang pagsasailalim sa repair ang mga paliparan na napinsala ng bagyo.


Kabilang sa napinsala ang Laoag International Airport kung saan nabasag ang glass panels sa terminal building ng airport.

Bukod pa sa mga bumagsak na puno at mga nillipad na kagamitan matapos ang malakas na hangin na dala ng bagyo.

Facebook Comments