Nanatiling normal ang biyahe ng mga jeep sa southern part ng Metro Manila ngayong araw kasunod ng malawakang kilos-protesta na isasagawa ng grupong PISTON at MANIBELA.
Hindi kasi sasama ang ilang jeepney drivers na hindi pa nakapag-consolidate ng kanilang mga unit maging ang mga consolidated na.
Sa panayam ng RMN Manila kay Noel Duduy, wala umano silang balak sumama sa rally mamaya ng nasabing mga transport group.
Aniya, magsasayang lamang daw sila ng oras kaya mas pinili nilang bumiyahe para may kitain pa sa buong araw at may ipangbili ng pagkain para sa kanyang pamilya.
Samantala, asahan na makikilahok sa nasabing malawakang protesta ang nasa 15,000 na mga jeepney sa iba’t ibang bahagi pa rin ng bansa.
Facebook Comments