Biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa Northern Palawan, pansamantalang sinuspindi

Pansamantalang sinuspindi ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyahe ng maliliit na sasakyang pandagat sa Northern Palawan.

Ito’y dahil sa nagpapatuloy na sama ng panahon.

Partikular na hindi pinapayagan na bumiyahe ang mga tourist motorbanca.


Sa abiso ng PCG, mananatili ang suspensyon ng mga biyahe hanggang mamayang alas-4:00 ng hapon ngayong araw, ika-14 ng Hulyo 2023.

Ang malalaking sasakyang pandagat ay pinapayuhan na maging alerto sa paglalayag bunsod ng malalaking alon.

Nabatid na may ilang lugar sa Northern Palawan ang kasalukuyang binabaha dahil sa malakas na ulan na nararanasan.

Pinapayuhan naman ang lahat ng mga sasakyang pandagat na mag-ingat at imonitor ang sitwasyon gayundin ang lagay ng panahon.

Facebook Comments