Sa kabila ng nararanasang sama ng panahon dulot ng bagyo at habagat, tuloy pa rin ang biyahe ng mga motorboat sa mga island barangay sa Dagupan City.
Ani ng ilan sa motorboat drivers, hindi naman ganoon kalakasan ang hangin at pag-uulan, kaya pa din sabayan ang agos ng tubig sa Pantal river kaya naman tuloy ang paghahatid sa mga pasahero.
Ito rin kasi ang madaling tranportasyon ng mga pasahero sa mga nasa island barangay kung kaya’t dito pa rin sila sumasakay kaysa mag-tricycle para umikot papunta ng city proper.
Tuloy naman ang pagbabantay ng City Disaster Risk Reduction and Management Office sa kalagayan ng mga residente sa lungsod lalo na ng mga nasa low lying areas at maging ininspeksyon na rin ang ilan sa flood mitigation projects na isinasagawa habang nararanasan ang sama ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









