Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe ng mga pampublikong bus sa Eastern Visayas.
Ito’y bilang pag-iingat sa harap ng peligro sa pagbibiyahe sa harap ng pagtama ng Bagyong Odette sa CARAGA o Eastern Visayas.
Kabilang sa mga sinuspinde ay ang mga biyahe ng mga Public Utility Buses (PUBs) patungong Luzon at Mindanao area.
Pinayuhan ng LTFRB ang mga motorista na manatiling nakasubaybay sa weather updates ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at pag-ibayuhin ang pag-iingat.
Facebook Comments